Most parts of this blog post are in Tagalog / Filipino because this is intended for my countrymen, Filipinos, who will be voting this May 5, 2010.
I have been a registered voter since 2003, but this is the FIRST TIME that I am voting. Why? It's because of 2 people that I believe in so much - Richard "Dick" Gordon and Bayani Fernando
I strongly believe that Richard "Dick" Gordon and Bayani Fernando are the leaders that we need here in the Philippines. We need their kind of leadership, their discipline to make a difference, to transform our country.
With their backgrounds, Gordon in Subic, Red Cross, Department of Tourism (Wow Philippines) and as Senator, and Bayani in Marikina and what he has done as MMDA chairman, I believe that they are the only ones who can TRULY make a difference.
I am saddened by the fact that Noynoy Aquino and Manny Villar are the most popular Presidential candidates to-date. I don't believe in surveys, but I'm afraid that more and more people would be tricked into voting for them because they're on top of the surveys.
So, if you are one of those people who are basing their votes on these paid surveys, me tanong ako sa'yo:
Do you know of ANYONE, who's also a registered voter,
who participated in one of these surveys?!
If you answered, "NO", then, please re-consider who you're voting for.
Ako, wala akong kilala na nakapag-participate na sa surveys. I've asked around sa Twitter, Facebook, Friendster, other bloggers, and social networks. And sa milyun-milyong botante dito sa Pilipinas, 2,000+ lang ang pinagbabasehan ng mga surveys na yan. Parang survey din yan kung aling TV shows ang mas sikat - GMA ba or ABS-CBN. Lahat na lang sila nasa TOP. So, please, wag ninyong pagbasehan ang surveys.
Marami akong mga nakausap na mga tao na kaya iboboto si Manny Villar or si Noynoy ay dahil lamang masasayang daw ang boto nila kung ke Dick Gordon and Bayani Fernando nila ibibigay. Ano pa't nagkaroon ka ng freedom to vote kung magpapadala ka lang sa mga surveys na sa totoo lang ay binayaran ng mga kumakandidato na nasa top ng surveys?! Eh di sana nag-survey na lang tayo kung dun mo rin pala ibabase ang boto mo. Yan ang mismong sinabi ko sa kanila. Sinu-sino ang mga nakausap ko? Jeepney and taxi drivers. Saleslady sa SM. Tindero ng fishball dito samin. Mga customers sa internet cafe namin. Ano ang ginawa ko nung marinig ko ang explanation nila?
"Sino ba ang gusto mo talagang iboto?"
Sila: "Si Gordon sana eh kaso mukhang wala naman boboto sa kanya."
"Yun naman pala. Si Gordon ang gusto mo pero bakit sa ibang tao mo pa ibibigay ang boto mo? Di ba mas kailangan nga ni Gordon ang boto mo kaya dapat mas matindi ang suporta mo sa kanya? Kung hindi mo sya iboboto, matatalo talaga sya. Me halaga ang boto ng bawat isa satin kaya wag natin sayangin."
Karamihan ng mga reaction nila, "Oo nga noh". Alam mo kung bakit? Dahil yun ang problema sating mga Pilipino. Masyado tayong nagpapadala sa uso, sa sinasabi ng iba, imbes na tayo ang mag-isip and magdesisyon para sa sarili natin.
I'm not trying to convince you to vote for Gordon and Bayani. I'm just hoping na you will consider giving your vote to them. Pag-isipan mo kung sino ang MAS karapat-dapat sa boto mo.
Whenever I hear people say that they're voting for Noynoy, Villar, at Erap, nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil sa panahon na ito na ilang taon na tayong nagdurusa sa mga corrupt na officials ay nagpapadala at nagpapabola pa tayo sa tatlong ito.
I will NEVER vote for Noynoy Aquino. I will not vote for Mar Roxas.
I was shocked when I found out Noynoy Aquino was running for President after his mother former President Cory Aquino passed away. Mas nagulat ako na pumayag si Mar Roxas na tumakbo na lang na Vice-President alongside Noynoy Aquino kahit na si Mar naman ang mas karapat-dapat na tumakbong Presidente. Dun pa lang, bumaba na ang tingin ko ke Mar Roxas dahil nakita kong gagawin nya ang lahat para magkaroon ng pwesto kahit na alam nyang sya ang mas may experience, may nagawa and may alam kesa kay Noynoy.
Ano nga ba ang meron ke Noynoy Aquino? Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit napakaraming tao ang naloloko nya. Dahil ba sa ama't ina nya na Cory Aquino and Ninoy Aquino?! Yun naman talaga ang ginagamit nya eh. Yun din ang reason ng karamihan kung bakit sya ang iboboto. Nakakasuka pag napapanood ko ang mga campaign ads nya na ginagamit nya ang mga magulang nya para manalo. At sa totoo lang, umpisa pa lang ng mga ads nya na nagsasabi sya na "Hindi ako magnanakaw" at sumumpa pa sya sa Diyos, sobrang nasusuka ako sa pagmumukha nya dahil nakita ko na GAGAWIN AT SASABIHIN NYA ang lahat ng kasinungalingan at pambobola sa mundo para lang makuha nya ang boto ng tao. Ganun sya kagahaman sa posisyon. Ganun din kababa ang tingin nya sating mga Pilipino. Traditional Politician (TRAPO) talaga.
Remember the story that was published in NEW YORK TIMES? Noynoy kept on promising he'll give back the lands of the Cojuangco clan in Hacienda Luisita back to the farmers, but Fernando Cojuangco said something different? Read the article here.
As a senator, Noynoy did NOTHING. Okay, he did file 9 Senate bills, but none of them were enacted into laws. And he was one of the highest spenders in the Senate.
There's a blog post talking about Noynoy's accomplishments. Read the list and tell me if he's still worth the vote. Everything listed there is on PENDING status, which is something that they didn't indicate. Here's the post and please read the comments.
Here's a table of accomplishments of the 4 leading Presidential Candidates - Dick Gordon, Gibo Teodoro, Manny Villar, and Noynoy Aquino. Got this from Facebook, from a supporter of Dick Gordon.
Magiging PUPPET lang si Noynoy ng mga nakapaligid sa kanya dahil sa lack of experience and knowledge nya. Aasa lang yan sa mga sinasabi ng mga supporters nya ngayon na obviously eh malaki ang iniinvest sa kanya kasi alam nilang may makukuha sila pag naging Presidente na si Noynoy. Alam nilang kaya nilang paikutin si Noynoy. Di naman sya nakakatakot eh. Alam mo yun, parang di mo kakatakutan kasi wala naman talagang nagawa para sa bansa. Pansinin mo, puro tungkol sa magulang, pagsumpa-sumpa sa Diyos, at pagpapaawa ginagawa nya. Wala kasi sya maipakitang concrete evidence na may nagawa sya. Tapos ngayon nangangako sya na marami syang gagawin eh nung nakaupo sya sa pwesto as Senator, wala naman syang ginawa. Kaya di ko talaga maintindihan kung bakit maraming supporters si Noynoy.
Nakakasuka na sumusumpa-sumpa pa sya sa mga campaign ads nya na di sya mangungurakot. Sige, kunwari totoo nga, Noynoy, pero paano ang mga Cojuangco? Paano ang mga kamag-anak mo? Paano ang mga kaibigan mo? Sa sobrang bait mo na pinagmamalaki ng kampo mo, I doubt na kaya mong tanggihan sila. I have never seen your strong will. NEVER. I strongly believe na hindi mo kayang labanan ang corruption sa bansa. You don't have the guts and the experience to make a change. Wag mo kaming bolahin.
Yung mga nagsasabing hindi dapat idamay ang buhay ni Kris Aquino sa pagtakbo ni Noynoy obviously know na talo sila sa argument na yun. Totoo naman eh. Kris Aquino is also a child of Ninoy Aquino and Cory Aquino, who a lot of people idolize (I'm not one of them), but look at what she's done in her life. She maybe one of the most popular personalities here in the Philippines, but with everything that has happened to her, it shows she can't make decent and right decisions in different aspects of her life. If ganyan sya at naniniwala ka pa rin na iba si Noynoy, na talagang pareho sya ng nanay at tatay nya, obviously, nagbubulag-bulagan ka lang.
Narinig mo na ba yung latest news na ang Upsilon Sigma Phi fraternity, the brotherhood that includes late Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. supports Richard "Dick" Gordon? Read the article here.
Maraming supporters ni Noynoy Aquino ang umaasa na totoo nga ang sinasabi nya. Hindi ba kayo nangingilo or nasusuka kahit konti na may isang taong gaya nya na SOBRANG LAKAS NG LOOB na sumumpa sa Diyos at sa bayan na hindi sya mangungurakot?! Kung naniniwala kayo sa kanya, sa pagsumpa-sumpa nya, eh di sana si Bro. Eddie Villanueva na lang ang iboto natin. Mas maniniwala pa ako na di sya mangungurakot. And mas maniniwala pa akong mas malapit sya sa Diyos.
I will NEVER vote for Manny Villar.
NEVER! NEVER EVER!
Sa tingin nyo, bilang businessman, kahit kelan ay hindi ginamit ni Villar ang posisyon nya sa gobyerno para mas paunlarin ang mga negosyo nya?! Naniniwala kayo na hindi ginamit ni Villar ang C-5 extension project nya para tumaas ang halaga ng mga properties nya na madaraanan ng C-5 road? Sabi nga, when there's smoke, there's fire. Yun lang ang masasabi ko dyan sa issue na ayn.
Sabi ni Manny Villar sa campaign ad nya, kung gusto daw nya yumaman, mananatili na lang sya na businessman. Pwede ba. Kahit sinong me common sense ay alam na mas yayaman ka kung businessman ka at me hawak kang posisyon sa gobyerno. Marami na tayong naranasang red tape at kung anu-anong corruption sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno. Hindi na ito bago so isipin nyo na lang kung ano ang kaya pang gawin ni Villar kung sya na ang Presidente ng Pilipinas. Hindi ako naniniwalang yumaman sya ng walang sinagasaan or nakurakot. So, wag tayo magpadala sa mga linyang ito.
Nasusuka rin ako pag napapanood ko ang mga campaign ads ni Manny Villar. Kailangan ba talagang maging ubod ka ng hirap para maintindihan mo kung paano matutulungan ang mga mahihirap? Kailangan bang nakatira ka once in your life sa "squatters" para masabing magiging magaling kang lider ng bansa at maaahon mo sa hirap ang Pilipinas?
Okay, sige, nakatulong si Villar sa mahihirap pero paano naman ang buong bansa? Hindi naman pwedeng mahihirap lang ang focus ng isang Presidente. Sana nag-Red Cross na lang sya, di ba. Hindi lang kahirapan ang problema ng bansa natin. Kulang tayo sa disiplina. Karamihan naman ng mahihirap eh namamatay sa hirap kasi hindi kumikilos, masyadong nawawalan ng pag-asa. Marami sa kanila ay umaasa sa limos. Nagiging kuntento na lang sila sa kinalalagyan nila. At sa ginagawa ni Villar ngayon, sa ginagawa nyang pangangampanya, obviously, wala syang respeto sa mga mahihirap kasi alam nyang kaya nyang daanin sa pambobola at pera ang mga ito.
Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga nakikita kong mga tindero ng yosi at kendi sa daan ng Edsa, sa Monumento. Natutuwa ako sa mga taong nagtatrabaho ng disente, kahit pa maliit ang kita. Natutuwa ako sa mga taong sinasamantala ang proyekto ng local na government para magkaroon sila ng kabuhayan or maliit na negosyo. Natutuwa ako sa mga taong ginagamit ang tulong na binibigay sa kanila ng gobyerno o ng mga kapwa nila Pilipino para tulungan ang sarili nila na umasenso. KAYA NG KAHIT SINO na mahirap ang umasenso. Sabi nga, "Kung gusto mo, maraming paraan. Kung ayaw mo, maraming dahilan." Disiplina at tyaga lang yan.
One of the major reasons why I don't support Villar is because I believe na isa sya sa SOBRANG corrupt sa bansa natin. Papalalain nya lang ang problema ng corruption sa bansa. Dinadaan nya nga sa pera ang pagkuha nya ng suporta eh. Anong ibig sabihin nun?! Ang tingin nya sa mga mahihirap at mga botanteng Pilipino: NABIBILI LANG TAYO. Mabibilog lang mga ulo natin. Parehong-pareho sila ni Noynoy Aquino.
Tanda mo yung Ondoy? Habang sina Villar at Noynoy ay nagpapasarap sa bahay nila, si Dick Gordon ay kasama mismo sa mga nag-rescue mission. At nakita mo yung mga pinapamigay na pagkain nina Villar at Noynoy? May pangalan pa talaga nila. Nakakasuka.
Sinasabi nung iba, kaya lang naman natin nakikitang ginagamitan ni Villar ng pera ang pangangampanya nya ay dahil he's got money to spare. Kung meron din naman daw ganun karaming pera ang ibang kandidato, ganun din ang gagawin nila. Isipin mo, naka-televise ang pagtulong nya sa mga tao before and during the campaign period. Alam ng mga tao kung sino ang tumutulong sa kanila. So, sa tingin mo, sincere yun? Bakit biglang igting ang pagtulong nya at pamimigay ng pera ngayong eleksyon na?
Saka kung sasabihin mo ito sakin na Dick Gordon and Bayani Fernando supporter, naniniwala ako, at kaya kong panindigan yan, na hindi gagamitin nina Gordon at Bayani ito para bolahin ang mga tao. Gaya ng ginagawa nila ngayon, ipinapakita nila sa mga tao ang mga patunay na dati pa sila kumikilos para pagandahin at lubusin ang budget na binigay sa kanila nung may pinanghahawakan pa silang mga posisyon sa Marikina, Olongapo, MMDA, Department of Tourism and sa Red Cross din.
Hindi rin ba kayo nagtataka kung bakit ganyan ka-willing gumastos ng milyun-milyon sa pangangampanya si Manny Villar kahit na ang liit lang naman ng sweldo ng Presidente? Kasi alam nyang mababawi nya.
Wala akong tiwala kay Manny Villar - Hindi ako gaya ni Dolphy na kayang ipagkatiwala ang bansa natin sa isang tulad ni Manny Villar. Yan ang pinaka-importante at pinakaunang dahilan kung bakit hindi nya makukuha ang suporta ko. Masyadong maraming issues against him na hindi ko pwedeng i-brush off or i-ignore.
Nakakasuka na ang focus ng kampanya nya ay puro mga mahihirap. Bakit? Dahil madali silang maloko? Dahil sa tingin nya, di pa matalino ang mga botanteng Pilipino at kaya nyang daanin tayo sa mga drama nya na mahirap sya, namatayan sya ng kapatid dahil daw sa hirap (Danny Villar died of leukemia, which meant that NO ONE was spared, rich or poor, back in 1962), at puro babae ang nasa party nya? Having Loren Legarda on your side is NOT something you should be proud of. She's proven nothing and she's an embarrassment to women in the government.
I will never vote for Erap and Loren Legarda.
Kailangan ko pa bang i-explain kung bakit hindi ko iboboto si Erap? Sirang-sira na sya. Kahit na na-abswelto pa sya sa mga kaso nya, again, "Where there's smoke, there's fire". Hindi lalabas ang mga isyung iyon kung walang kahit konting katotohanan about it. The fact na napababa sya sa pwesto ay reason enough not to vote for him.
Yung kay Loren Legarda, kailangan ko pa rin ba ipaliwanag? First, he was against Erap Estrada nung impeachment nya. Then, she ran alongside Fernando Poe Jr., Erap's closest friend, as Vice-President. Obviously, she'll do everything she can to get what she wants, kahit pa isakripisyo ang integrity nya. How can you trust her?
I will not vote for Gibo Teodoro.
Ang tingin ko kay Gibo Teodoro ay matalino sya ngunit wala syang PUSO na kelangan ng isang effective na President ng Pilipinas. Wala rin ako tiwala sa kanya. Wala pa syang napapatunayan para tumakbong Presidente ng Pilipinas. Hindi pa sya hinog.
Next post:
Why I am Voting for Dick Gordon and Bayani Fernando this 2010
Kahit sino manalo ok lang.. But not ERAP... I really hate this man, anlakas ng loob na muling tumakbo the fact na isinuka na siya ng maraming Pilipino. Bakit ba kasi nabigyan ng presedential pardon ang isang ito... Iniisip ko tuloy parang may pattern ang national election ngayon. ERAP is a nuisance candidate, pwede ding sabihing straight na pakawala siya ng government para mahati ang boto... Basta para sa akin susuportahan ko kahit sinong maupo sa MalacaƱang.. BUT NOT ERAP...
ReplyDeletewala akong bilib sa mga kumakandidato ngayon, pare parehong may gustong makuha.
ReplyDeleteI shared this in FB. I will vote for Gordon too! Sana lang talaga matauhan ang ibang tao.
ReplyDeleteLiving Life to the Fullest!
@clickmarbin: Kaya lalong di umuunlad bansa natin eh. Yung mga voters na may utak, di bumuboto kasi iniisip nila na pare-pareho lang yan. Do your research. Be a responsible Filipino and do your part, lalo na ngayon na mayroong karapat-dapat na mamuno.
ReplyDeleteThanks, levy! Sana talaga matauhan ang mga tao. Kailangan natin ang pagbabagong maibibigay nina Gordon and Bayani.
@alaehpagkasarap: I, too, will support anyone who wins, BUT while there's still time, I want to encourage and influence other people to vote for Gordon and Bayani. Tama na ang Aquino, Arroyo, at mga corrupt na families.