Apr 20, 2010

Why I am Voting for Dick Gordon and Bayani Fernando this 2010

Note: This blog post is mostly in Tagalog / Filipino as this is intended for Filipino voters.

Bakit-si-Gordon Please check all the links at the bottom of this post to find out what
Dick Gordon and Bayani Fernando has done for our country.

Gordon Bayani

I will vote for Richard "Dick" Gordon and Bayani Fernando - the Transformers.

I believe that with his guts, his experience, his heart, his wisdom, and his wits, si Richard "Dick" Gordon lamang ang magiging effective na Presidente ng Pilipinas among all the candidates.

Marami ang ilag kay Dick Gordon dahil matalas sya magsalita. Yun naman ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi sya nambobola. Pag tinanong mo sya, didiretsahin ka nya. He's frank, isang katangian nya na di sanay ang mga Pinoy kaya iwas ang karamihan sa kanya at 'di sya gusto.

He is a disciplinarian. Please don't mistake him as a dictator because he really has a good HEART, and proof of that is his loyal service to the Philippine Red Cross since he was 17 years old. Naniniwala si Gordon na kailangan natin ng disiplina, na sumunod sa batas, gaya ng sinasabi ni Bayani Fernando. Nakakatawa naman talaga na pag nasa ibang bansa tayo, takot tayo kaya sobrang sunod tayo sa mga batas nila. Pero pagdating sa sariling bansa, parang wala lang kasi nadadaan sa suhol.

Ang pagiging strikto nina Gordon at Bayani ang isang reason kung bakit marami rin ang ayaw sa kanila. Bakit? Kasi takot tayo masyado. Nasanay tayo masyado sa pagsuhol lang to get what we want, or na nakakalusot lang tayo sa batas. Kaya walang asenso ang bansa natin eh. Just look at Japan and Singapore. Malaki ang kinaunlad nila dahil sa kanilang disiplina.

Yan ang gustong mawala sa kultura natin nina Gordon and Bayani - na makakalusot lang tayo lagi. Na kaya nating suwayin ang batas ng Pilipinas without suffering the consequences. Poor governance, that's our main problem.

no-to-povertyKailangan natin ng strong leadership. We need leaders na mayroong guts and self-discipline to make things happen, to transform our nation. Mga leaders who won't treat us Filipinos like babies but as adults who can think and act for ourselves. Hindi lahat ay kayang sagutin ng gobyerno. Kung wala kang makain ngayon, kumilos ka. Wag ka maghintay ng limos lalo na't malakas ka. Mga bulag, mga hindi makalakad at ibang mga may kapansanan lang ang may valid reason na hindi kumilos para sa sarili nila.

Sabi nga ni Dick Gordon, ang pagiging mahirap ay the absence of choice. Kaya nga nangunguna sa plataporma nila ay ang pagpapaayos ng kalidad ng edukasyon at pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino. Bakit? Kasi kung ang mga mahihirap ay maayos ang pag-aaral at hindi nagkakasakit or nakakaiwas sa mga disease, mas marami silang magagawa para umasenso.

Ang mga nagawa nina Gordon and Bayani sa Subic at sa Marikina ay reasons enough for me to vote for them. Si Binay, nagkataon na mayayaman ang mga taga-Makati. Andun ang Ayala eh. Kung merong ganung kalaking budget si Bayani, baka mas marami pa syang nagawa para sa Marikina.

Nakakatawa ang mga hirit ni Jejomar Binay na parang sobrang baba daw ng tingin ni Bayani sa mga mahihirap. Bakit? Dahil hindi politically correct si Bayani when he referred to "informal settlers" as "squatters"? Dahil nilinis nya ang mga lansangan, ang Edsa, ang mga bangketa? Dahil hindi nya pinapayagang humarang sa mga bangketa at kung saan-saang daan ang mga nagtitinda ng kung anu-ano? Gagawin nyong excuse yung kahirapan nila para maging exempted sila sa batas?! Kaya namimihasa tayo eh kasi pinapalusot lang ng mga gaya ni Binay at Villar.

Transformers_thumb1

Nakita nyo ba kung gaano katindi ang kinaganda ng Edsa at ng mga lansangan dahil sa mga proyekto ni Bayani Fernando? Marami ang nagulat na me budget pala ang MMDA para sa paglilinis ng mga lansangan ng Metro Manila. Kasi, hindi kinurakot ni Bayani Fernando. Kumilos sya para sa ikakabuti ng lahat. Mayroon syang political will.

Not because you're poor, you're above the law or you should be exempted. Yan ang reason kung bakit karamihan ng mga botanteng Pinoy ay takot na iboto si Gordon and Fernando. Kasi mahihirapan na sila makalusot. Kaya tayo lalong naghihirap eh. Kasi gusto natin lagi the easy way out.

Kung napanood mo ang mga campaign commercials ni Bayani Fernando, makikita mo na pinaalis nya ang mga squatters sa mga lugar na hindi nila pwedeng tirhan at nilinis nya ang mga lansangan ng Edsa sa mga illegal vendors. Ito ay dahil gusto nya na maghangad ang mga taga-squatters at mga illegal vendors na ito ng mas magandang buhay sa legal na pamamaraan. Hindi naman nya itinapon lang ang mga taong pinalayas nya sa mga squatters areas eh. Nagtayo sya ng magandang malilipatan ng mga ito para maging mas maayos ang buhay nila.

Have you watched the campaign commercials of Bayani Fernando and Dick Gordon? Tingnan nyo na hindi nila tayo dinadaan sa mga DRAMA at panunumpa na gaya ng mga kalaban nila. Dun pa lang, makikita mo na ang tingin nila sa ating mga botante ay may mga utak tayo at ibabase natin ang ating boto sa accomplishments ng mga kumakandidato at hindi sa kung sino ang magulang, kaibigan at celebrity endorsers nila.

(I'll be posting videos of Dick Gordon and Bayani Fernando's campaign ads and interviews next.)

Gusto nina Gordon and Bayani na ma-transform tayo into a nation na hindi magiging kuntento sa kung anong meron tayo. They want us to be AMBITIOUS. Hindi porke't mahirap ka ay wala ka na mararating. At isa sa mga paraan nila para mawala ito sa utak ng mga Pinoy ay wag hayaan ang mga tao na lumabag sa batas. Karamihan ng mga nakakalusot at yumayaman ay yung mga lumalabag sa batas.

Have you watched Gordon's interviews? Sobrang totoo syang magsalita. Hindi kasi sya nambobola. Ang accomplishments, background, and experience nya lang ang ginagamit nyang pang-suporta sa mga plataporma nya at gusto nyang gawin para sa bansa.

Napatunayan na ni Dick Gordon na isa syang effective leader nung binuhay nya muli ang Subic Bay after ng pag-alis ng mga Amerikano (something that Cory Aquino was against - ayaw nyang paalisin ang mga Amerikano at nagmakaawa pa nga sya, tanda mo?). Maraming nawalan ng trabaho nun sa Olongapo City ang nagkaroon ulit ng kabuhayan dahil kay Gordon.

BayaniGordon_thumb8Nakapunta ka na ba ng Subic? Malinis, di ba? Disiplinado ang mga tao. Maraming supporters ni Dick Gordon ang naniniwalang kaya nyang gawin sa buong Pilipinas ang nagawa nya sa Subic. Take note ha, BUONG PILIPINAS. Hindi lang Metro Manila kundi lahat ng parte ng bansa - Luzon, Visayas at Mindanao. Bigyan natin sya ng pagkakataong mapatunayan ito satin.

Nakakatawa kasi meron kaming nakausap. Ayaw daw nya kina Gordon and Bayani kasi Subic and Marikina lang daw ang naayos nila. Malamang! Yun lang ang me karapatan silang pakialaman eh. Bigyan mo sila ng power to change the whole nation and they will do it.

At sa tulong din ng kanyang Vice-President na si Bayani Fernando, na marami ring nagawa para paunlarin ang bayan nya sa Marikina, kayang-kaya ni Gordon na paunlarin ang bansa gaya ng ginawa nilang pagpapaunlad sa Marikina and Subic sa abot ng kanilang makakaya.

Bata pa lang, as young as 17 years old, Dick Gordon was already serving the country as a volunteer of Red Cross. So sa mga nagsasabing wala syang puso at true concern for the welfare of Filipinos, better think again and do more research. Marami na syang nagawa para sa bansa as chairman of Red Cross, Secretary of Department of Tourism, mayor of Olongapo, and as a Senator. Sa dami ng nagawa nya sa mga posisyon na pinanghawakan nya, asahan mong mas marami pa syang magagawa para sa buong bansa pag sya ang naging Presidente ng Pilipinas.

Like what I said in the first part of my post about who I'm voting for this elections, I'm not trying to convince you to vote for Dick Gordon. Even Gordon said, "You don't have to vote for me". He's not going to lie and cheat his way into getting the Presidential seat. Hindi sya gagamit ng drama to manipulate us. He is just using his accomplishments to convince people to vote for him. At ganun din si Bayani Fernando. Hindi nya tayo dadaanin sa paawa effect na gaya ng ginagawa ni Manny Villar. Hindi nya tayo dadaanin sa pasumpa-sumpa, gaya ni Noynoy Aquino.

I'm not going to change my vote. I will be voting for Gordon and Bayani. Anyone who says I'm just fantasizing or daydreaming that Gordon and Bayani can make a difference can just shut their mouths. That's what I believe in and it's backed by their accomplishments and what I believe we Filipinos need this 2010 and onwards.

Sa nakikita ko, malaki ang respeto nina Gordon and Bayani sa mga Pinoy. They both believe WE DESERVE BETTER - better leaders, better governance, better education, better opportunities, better policies, better lives... because they believe na if we were given the chance to improve ourselves, we can do almost anything!


Wag po tayo magpadala sa mga surveys. Hindi po ito POPULARITY CONTEST. Buong bansa po ang pinag-uusapan natin. 6 years of governance ng next President and Vice-President ang titiisin natin kung maling tao ang mauupo sa posisyon.

Wag manghinayang sa boto mo. Hindi SUGAL ang election. Hindi ito sabong na dun ka tataya sa manok na sa tingin mo ay mas mananalo or makakareceive ng boto. BUMOTO KA AYON SA PANINIWALA MO. Do your own research. Ganun ang ginawa ko dahil MAHALAGA SAKIN ANG BOTO KO.

Kung naiinis ka dahil sa post ko na 'to, at sasabihin mong "Baket ba nakikialam ka? Ang OA mo naman! Eleksyon lang yan". Well, pasensya ka na. Mangingialam ako at susubukan ko talagang kumbinsihin ang mga tao sa paligid ko dahil kinabukasan ko rin ang nakasalalay dito. Hindi lang sa'yo. BUONG BAYAN ANG MAGHIHIRAP kung maling tao ang magiging President and Vice-President natin.

Kung boboto ka sa darating na eleksyon, sana pag-isipan mong mabuti kung sino ang iboboto mo. Wag mong isipin na porke't isa ka lang ay di ganun kahalaga ang boto mo. Kung lahat ng botante dito sa Pilipinas ay ganyan ang iniisip, ano sa tingin mo ang mangyayari sa bansa natin?

Maniwala ka man or hindi, NAPAKARAMING SUPPORTERS si Gordon and si Bayani. At makikita mo na willing KAMI gumastos para maikampanya lang sya at makatulong na mapabago ang utak ng mga taong naniniwala pa rin sa pambobola at mga surveys na yan. MARAMI TAYONG SUPPORTERS NI GORDON AND BAYANI.

Wag kang maniwala na whoever you vote for won't really make a difference. Meron. NAPAKALAKING DIFFERENCE ang magagawa nya, believe it or not. Kaya...

WAG KANG MANGHINAYANG SA BOTO MO.

Gordon and Bayani need your support

Show your Support:

Facebook Gordon-Bayani official fan/supporters pages:


Articles about Dick Gordon and Bayani Fernando all over the web:
Please read the following blog posts and articles related to the May 2010 Elections:

Dick Gordon is Arrogant - details of Dick Gordon's accomplishments. Read this if you don't know yet.

A Response to Smoke's Views on Dick Gordon
- A MUST-READ, especially if you don't know yet how much Gordon has done for our country.

Gordon - Bayani - Official website

Dick Gordon 2010

Change You Can Expect & Change Already Proven

Bayani Fernando - Official Website

It Ain't Over 'til It's Over - Let's Party Gordon to Victory!

Bayani Fernando "Hindi ako nagbibiro. Titino tayo."

Dick Gordon: You Don’t Have to Vote for Me - from Anti-Pinoy.
Please watch all the videos of Dick Gordon on this post.
Also, please read the comments.

Gordon-Bayani three-point plan against corruption

I'll Decide When I Want To...And Now's as Good a Time as Any

Iya Justimbaste - A blog of a Dick Gordon supporter and anti-Noynoy voter, like me! :)

Lourd de Veyra: Video killed the political star - from Spot.PH - Enjoyed this read.

An Open Letter To Manny Villar From Bill Esposo - From a blog of a Noynoy Aquino supporter.
If the blog owner gets to read this, it's too freaking obvious (from my banner of support on the sidebar) that I'm supporting Dick Gordon and Bayani Fernando. Please don't make me post any pro-Noynoy banner or ad here.


Articles about other Candidates:

Bob Ong: "Hindi sino, kundi kanino ang iboboto mo?"

Why we cannot trust Noynoy and Manny

Dear Manny Villar

Why Noynoy is Not on my Shortlist

Noy, the Cory Copycat - Read this blog. He's anti-Noynoy and everything he mentions here are my exact sentiments towards Noynoy's candidacy.

Manila Standard Reports the Truth about Noynoy

8 comments:

  1. blankPixel,

    I love this blog entry!!! It's so heartfelt!!! I agree with everything you said. I also believe that Gordon-Bayani can help transform the hearts and minds of all Filipinos, if only we give them the opportunity to do so. That's why it's a definite 5ORDON & 3AYANI for me on May 10!

    ReplyDelete
  2. You know what, even my husband is a foreigner, he believe that Gordon is the right candidate for presidency in the Philippines! Dapat pala I should have registered to vote ano.. Di ko kasi alam na tatakbo sya.

    ReplyDelete
  3. Hindi lang siya naging SIKAT kaya mahina siya sa surveys. But without a doubt he is a good man.

    ReplyDelete
  4. CATHEE: Thank you. I really wanted to write this for Dick Gordon and Bayani Fernando.

    @chubskulit: Sayang. My partner also wasn't able to register because she's now here in Manila and we weren't able to process the documents so she can register here instead of her hometown in Cebu.

    @website: This election is not about POPULARITY. It's about who should lead the country... who is the most qualified.

    ReplyDelete
  5. pa share sa FB... traffic balik sayo :) for sure!

    ReplyDelete
  6. Levy:
    Sure, sis, go ahead, FOR THE WIN!! Sana dumami pa ang Gordon-Bayani supporters before May 10. :)

    ReplyDelete
  7. Let us all wear RED today and tomorrow. Let's make our voices be heard nationwide in support for Pres. Dick Gordon. Anyone is capable of doing it. People are just a text away. We can also broadcast over the internet. Change starts with us. Pagbabago, Sigurado!www.gordonbayani.com. Spread to Family and Friends! Thanks!

    ReplyDelete
  8. Anonymous7:17 AM

    Gordon-Bayani
    Derecho Asenso!

    ReplyDelete

If you don't have a Google or OpenID account, please use select Name/URL so I know who you are. Thanks for visiting!

Just Another Archive

Loading...